Bumubuntong hninga ka na lang
sa mga isinasampal sa iyo ng lipunan.
Kibit balikat pa ring pinapanood
na nauulit ang nakaraan.
Pinagod mo na ang mapaghamong panahon
at
lubusan mo nang ikinulong ang mapagpalayang isipan.
Di pa man naiisipang makilahok
ay
nagpatalo na sa laban.
sibuyas at iba pa.
Sisimulang pulutin ang mga tira-tirang tula ng may halos walong taoN na ang nakakaraan. Bago muli pa'y tahakin ang isang bahagi ng katauhan.
Saturday, December 29, 2012
Monday, December 3, 2012
Tulang Paulit-ulit
Mahirap magbago kung di mo alam
kung saan ang mali mo.
Mahirap magkamali kung sinasabing
kailangan mong magbago.
Mahirap sakyan ang mundo
kung dati-rati'y nagkakasundo kayo.
Mahirap makipagkasundo sa mundo
kung lahat ay nakadepende sa pag-inog nito.
Mahirap magkamali
kung dati-rati'y nagkakasundo kayo.
Mahirap sakyan ang mundo
kung lahat ay nakadepende sa 'yo.
Mahirap paulit-ulitin ang mga linya
sa tulang ito
lalo't huwad na musika
ang inaawit mo.
kung saan ang mali mo.
Mahirap magkamali kung sinasabing
kailangan mong magbago.
Mahirap sakyan ang mundo
kung dati-rati'y nagkakasundo kayo.
Mahirap makipagkasundo sa mundo
kung lahat ay nakadepende sa pag-inog nito.
Mahirap magkamali
kung dati-rati'y nagkakasundo kayo.
Mahirap sakyan ang mundo
kung lahat ay nakadepende sa 'yo.
Mahirap paulit-ulitin ang mga linya
sa tulang ito
lalo't huwad na musika
ang inaawit mo.
Tuesday, November 27, 2012
Patamaan
Humahagibis ang mga paa
sa pagdala ng mga tsinelas.
Iniiwasang magkamali kahit sa
maliit na pag-usad.
'tangis din ang mga kamay
sa pagsalo't pasa ng niyaring bola.
Ingat sa pagmintis.
Ingat sa pagbuga.
Walang 'sinliksi ang mga katawan at mata.
Yabag ang tanging
musika- hudyat ng pag-asa.
Babalik sa riyalidad
kapag nataya ka na.
sa pagdala ng mga tsinelas.
Iniiwasang magkamali kahit sa
maliit na pag-usad.
'tangis din ang mga kamay
sa pagsalo't pasa ng niyaring bola.
Ingat sa pagmintis.
Ingat sa pagbuga.
Walang 'sinliksi ang mga katawan at mata.
Yabag ang tanging
musika- hudyat ng pag-asa.
Babalik sa riyalidad
kapag nataya ka na.
Salvation
Monday, November 26, 2012
Psychotic Chant
Jeepney
hiniling kong marami pang sumakay
upang magkadampi ang ating mga siko.
at nang sa gano'y mawala ang
espasyong
pumapagitan sa ating dalawa.
ngunit wala.
walang pumara ni isa.
kikiligin na sana ako nang tumitig ka.
aasa pa sana ako ng matamis mong salita....
"pakiabot nang bayad!"
at mabilis mong tinapos ang
aking pagpapantasya.
upang magkadampi ang ating mga siko.
at nang sa gano'y mawala ang
espasyong
pumapagitan sa ating dalawa.
ngunit wala.
walang pumara ni isa.
kikiligin na sana ako nang tumitig ka.
aasa pa sana ako ng matamis mong salita....
"pakiabot nang bayad!"
at mabilis mong tinapos ang
aking pagpapantasya.
![]() |
Photo from barquera.wordpress.com |
Sunday, November 25, 2012
Pandemonium
Corrupt your conscience
by the defaming sound of nothingness.
Gratify your soul
by your earthly creeps.
Feed your shattered mind
with the existence of chain deceptions.
Shout.
Scream.
You will never be heard.
Live your life in the wilderness.
Lift your soul with black providence.
Portray a faultless life.
Shout. Scream.
You will never be heard.
Nobody's going to listen
to your foolishness.
You are trapped in the era of eternal selfishness.
![]() |
Photo from Deborah Swift's blog |
Subscribe to:
Posts (Atom)