Tuesday, November 27, 2012

Patamaan

Humahagibis ang mga paa
sa pagdala ng mga tsinelas.
Iniiwasang magkamali kahit sa
maliit na pag-usad.

'tangis din ang mga kamay
sa pagsalo't pasa ng niyaring bola.

Ingat sa pagmintis.
Ingat sa pagbuga.

Walang 'sinliksi  ang mga katawan at mata.
Yabag ang tanging
musika- hudyat ng pag-asa.

Babalik sa riyalidad
kapag nataya ka na.

No comments:

Post a Comment